September 7, 2025 | 12:00am
“Tigilan nyo na kami haaaaaa dami na fake news ekeklavooo,” say ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram Stories tungkol sa kontrobersiyang hiwalay na diumano sila ng mister na si Derek Ramsay.
At naglabas siya ng resibo na fina-follow niya ang mister.
Pero naguguluhan daw siya. “Sooo….I never unfollowed my husband. Ever,” sabi pa ng dating sexy actress.
“I don’t know what’s happening here on my IG. But here you go…when I search his name – I’m following him. But on my following list, he’s not there and I don’t know what’s up IG?!” eme pa niya.
“Ano ba talaga? Ako rin nalito na ko lol.”
Ilang linggo nang pinag-uusapan ang diumano’y hiwalayan ng mag-asawa na consistent ang denial ng ilang taong malalapit sa kanila.
Nag-umpisa ito nang mag-wellness break ang dating actor sa Bali, Indonesia.
Naging basehan din ng ibang netizens ang hindi na raw pagpo-post ng mag-asawa na magkasama sa kanilang social media pages particular na nung nasa Indonesia si Derek na pinupuntahan din ni Ellen nung nagkaroon siya ng mental health challenges.
Last July pa raw ang family pic nila with their daughter Lily and Elias (eldest ni Ellen), nung mag-Palawan ang buong pamilya nila.
Anyway, kasalukuyang nasa Vietnam si Derek kasama ang ama na aniya ay father and son bonding na ina-upload naman niya sa kanyang Instagram page.
Si Ellen naman ay nag-post ng ganap lately sa kanya at kasama lang ang anak at kanyang mother. Wala sa photos niya ang mister.
Na kung sabagay, ba’t nga ba kailangang bantayan kung may problema sila if ever na totoo ngang may major bump na dinaraanan ang kanilang pagsasama dahil sa diumano’y kontrobersiya sa investment ni Derek sa kanilang mga kaibigan na umabot sa P60 million although hindi pa nila ito kinukumpirma. Kasalukuyan lang itong pinag-uusapan sa business community.
