300K pamilyang Pinoy nakakakain ng maayos


Pilipino Star Ngayon

September 6, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 300,000 pamilyang Pinoy ang patuloy na maayos na nakakakain sa bansa.

Ito ay mula nang ilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Walang Gutom Program (WGP).

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, patuloy na bumaba ang hunger incidence sa Pilipinas.

Base sa Social Weather Stations (SWS) survey noong March 2025, bumaba ng 7.3 percentage points ang hunger prevalence sa mga benipi­syaryo ng programa.

Pinakamalaking improvement sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Min­danao (BARMM)-Plus cluster, kung saan  bumaba ang hunger incidence ng 17.4 percentage points.

“We are seeing early signs of success of the Walang Gutom Program. And as instructed by President Ferdinand R. Marcos Jr., we will expand the program further to 600,000 beneficiaries in the second half of the year to make a bigger and more tangible impact of food poor Filipino households,” pahayag ni Gatchalian.

Pinakamalaking natapyasan ang BARMM-Plus cluster — tulad ng Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, at Zamboanga Sibugay.

Nabatid na ang private companies na Globe at Monde Nissin ang nag-komisyon sa SWS survey na tinawag na “Walang Gutom Tracker”.