October 24, 2025 | 12:00am
Tsugi na ang apelyidong Ramsay ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram (IG) account.
Ito ang napansin ng netizens kahapon.
Yup, edited na nga ang Instagram name nito na dating may apelyido ng mister na si Derek Ramsay.
Maria Elena Adarna na lang sa huling kita namin na nakalagay sa kanyang IG page.
Nauna nang ipinakita ni Ellen sa social media ang masayang first birthday celebration ng anak nila ni Derek pero wala ang inactive actor sa nasabing party.
Ang saya base sa mga video and photo ni Ellen.
Pero iba ang celebration ni Lily sa parte ni Derek, parang kumain lang sila sa labas kasama ang ilang kapamilya ng actor.
Si Ellen din naman ay makikitang single parent ang peg sa mga post lately.
But anyway, ayon sa ilang insider, technically ay hindi talaga sila hiwalay, at umaasa raw si Derek na maaayos nila ni Ellen ang kanilang marriage.
Si Ellen lang daw talaga ang parang decided na tuluyang makipaghiwalay na.
Totoo kaya ‘yun?
Ilang buwan nang pinag-uusapan ang diumano’y hiwalayan nila.
Ilang beses na rin silang nag-deny.
