Gerald, gustong sundan sina Tom Cruise at Brad Pitt!


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

October 23, 2025 | 12:00am

Aminado si Gerald Anderson na hindi niya akalain na aabot siya sa pagpo-produce ng pelikula.

At malawak ang plano niya.

Yup, umpisa pa lang daw ang Metro Manila Film Festival entry na Rekonek, na partnership ng kanyang production company – The Th3rd Floor Studios sa Reality MM Studios ni Mr. Dondon Monteverde.

And as a producer, kabilang sa mga gusto niyang tularan ay sina Tom Cruise, Brad Pitt, na talagang gumagawa ng mga quality film.

“There are a lot of well-produced TV series. Breaking Bad is well-produced and well-cast.

“Like I said kanina, parang to be part of something well-produced, well-cast, and well-directed tapos part ka dun, especially for someone like me na never ko naman inasahan na aabot ako sa ganito na sitwasyon, I’m truly thankful. But yeah, ‘yun ‘yung vision ko for myself as a producer, to be able to produce mga movies tulad nina Brad Pitt that entertain people and are also good for business and make money.

“Tom Cruise pala is also one of my biggest inspirations. Super, sila ni Brad Pitt, because they’re entertaining people. They’re fulfilling their passion. At kumbaga, they’re producing blockbusters. Parang, that’s the ultimate dream. ‘Yan ‘yung gusto ko. And mag-i-start ‘yan dito sa biggest Christmas film of the year, Rekonek,” paglalahad ni Gerald sa kanyang mga vision bilang producer.

Twelve years ago nang unang magkatrabaho sina Dondon at Gerald sa pelikulang On the Job na pinuri hindi lang sa bansa kundi maging sa ibang bansa. “Actually, nung tinanong ako ni Sir Don kung gusto kong maging producer tapos pinanood ko itong kay Brad Pitt (F1), parang I have to be… parang kailangan ko na mag-step up na rin. And ambag din ni Brad Pitt ‘yan sa Hollywood e. Ambag din niya ‘yan sa industry nila. So ako rin gusto ko rin mag-ambag sa industry natin.”

Kamakailan lang ipinalabas ang F1 The Movie ni Brad Pitt, na highest ear­ning na sports film of all time na pinagbibidahan din niya.

Samantala, hindi takot si Gerald na madiskonek sa internet sa totoong buhay.

Sa kasalukuyan ay internet ang buhay ng lahat. Na parang ‘pag nawalan ka ng koneksyon, kulang na rin ang buhay ng isang tao.

Pero para sa actor, na-imagine niya na mae-enjoy niya ang ganun. “Ho­nestly ako, mai-enjoy ko ‘yun. I mean, umaakyat ako ng bundok eh. Para med­yo isolated tayo at walang ano. Ayaw ko naman maging ipokrito. But there’s times na parang lagi rin ako nasa phone,” pag-amin ni Gerald.

“And that’s what I mean. Mai-enjoy ko ‘yun. Kung everyone, wala tayong choice. I think i-enjoy-in ko na lang ‘yun kasi parang may peace of mind eh. Meron kang disconnect muna. And then, through that process, you’ll be able to reconnect siguro with yourself, with your family members, ‘yung mga mahal mo sa buhay. Mas malalim na siguro ‘yung pag-uusap ninyo. Hindi na superficial na text-text or message na lang,” pag­dedetalye niya pa.

“‘Yung pagkain mas mai-enjoy mo. Hindi lang ‘yung in-order mo lang ‘yan kasi ‘yung presentation maganda. ‘Yung mai-enjoy mo lang talaga. Or even sa concerts, I think may meme na lumabas sa lahat ng mga Gen Zs or nakaganun sa concert (nakatutok ang camera sa nagco-concert). Pero may isang matanda roon sa gitna na nag-i-enjoy lang. Ako mai-enjoy ko ‘yun siguro. But, ako ‘yun,” sabi pa niya.

At sa prinoduce raw nilang pelikula, ito ngang Rekonek, marami aniyang perspective.

“Iba’t ibang sitwasyon. At makikita ninyo ‘yan. Kung paano mag-react ang iba’t ibang tao.”

Dagdag pa ng actor: “Marami kasi nami-miss out ang tao sa buhay because of the internet. ‘Yung realities of life. So, dito madi-discover natin na once na wala ‘yun kaya ba natin mabuhay. So, we’ll leave it up to the audience to actually learn from the movie.”

Sabi pa ni Gerald na nauna nang naging direktor sa ilang eksena ng series nilang Sins of the Father: “Minsan, may mga iba bumabiyahe lang. Wala namang masama, but like, nagti-take ng vacations para lang may ma-i-post, ‘di ba? Ipagyabang lang. But, did you really go there to learn the culture? But, I’m just saying na walang masama ru’n. People go to Paris para magpa-picture at i-post ‘yung Eiffel Tower. But, what’s the history of the Eiffel Tower? Ba’t s’ya nandyan? Marami rin napapahamak sa internet or maraming disconnections. Kaya po, reconnect ‘yung ano… Reconnecting with people, loved ones, and reconnecting with yourself,” sabi pa niya without mentioning kung magkano ang investment niya sa nasabing pelikula.

Totoo kayang P20 million?