Jodi, nonchalant sa iskandalo kay Raymart!


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

October 23, 2025 | 12:00am

Nonchalant si Jodi Sta. Maria sa mga intriga sa karelasyong si Raymart Santiago.

Pero ang followers niya ang worried.

Panay ang mensahe nila sa Instagram page ng Kapamilya actress na kesyo hiwalayan na raw niya ito para hindi na siya madawit sa mga isyu ng diumano’y karelasyon kay Claudine Barretto.

May nagpapayo naman na kausapin niya si Raymart at sabihang makipag-ayos na sa mga anak.

Mas piliin daw niyang maging mabuting karelasyon at influence kay Raymart lalo na nga raw at isa rin siyang ina.

Or sana raw ay pinirmahan na lang ni Raymart ang kung anumang dokumento na sinasabi ng dating misis niya na si Claudine.

At sayang daw ang ganda niya, mas marami raw tiyak na mayaman na pwedeng karelasyon ni Jodi.

Kahit kailan ay hindi nagsalita si Jodi ng tungkol sa relasyon nila ng dating asawa ni Claudine.

Maaalalang tinapos ni Mrs. Inday Barretto ang kanyang pagsabog tungkol sa dating son-in-law at ang mga ginawa nito kay Claudine sa isang babala kay Jodi: “As for any girl you wanna get now, you better choose well. Dahil kung hindi mo nakita ang pinagdaanan ng anak ko at ng mga apo ko, makukuha mo – ikaw ang susunod na biktima.”