PBB 2.0, handa na! | Pilipino Star Ngayon


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

October 23, 2025 | 12:00am

May babalik na OG host

Ilulunsad na GMA Network at ABS-CBN Studios ang bagong season ng Pinoy Big Brother ngayong Oktubre 25 – PBB Celebrity Collab Edition 2.0.

Hindi na nila pinatagal matapos ang matagumpay na unang collab nila na mapapanood ulit sa GMA.

At bilang bahagi ng PBB’s 20th anniversary, ang 2.0 edition ay mix of Gen Z Kabataang Pinoy featu­ring Sparkle GMA Artist Center and Star Magic artists na ang isa sa pinangalanan pa lang na magi­ging housemate ay si Sofia Pablo.

At lahat ng kabilang sa batch of celebrity housemates ay lahat ipinanganak noong 2005, the same year the show first aired.

Two decades later, maninirahan sila sa iconic na Bahay ni Kuya to build meaningful connections thru active social interactions, discover themselves alongside peers their own age, and ignite a strong sense of belonging.

At upang kumpletuhin ang karanasan sa Bahay ni Kuya, muling makakasama ang pamilya ni Kuya – sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Kim Chiu, Gabbi Garcia, Melai Cantiveros-Francisco, Enchong Dee, Alexa Ilacad, and Mavy Legaspi – na handang gumabay, connect, and celebrate another vibrant season.

At may pa-welcome back ang Pinoy Big Brother sa isa sa original hosts, bringing nostalgia and star power to the newest season.

Who will it be?

Si Toni Gonzaga na ba?