Vargas nakiramay sa pamilya ng batang natagpuang patay sa Novaliches


MANILA, Philippines — Taos-pusong nakiramay si Quezon City 5th District Councilor Alfred Vargas sa pamilya ng batang babae na natagpuang patay nitong Linggo sa bakanteng lote sa Barangay Sta Lucia, Novaliches.

Ayon kay Vargas, bilang isang ama ay hindi nito maisip kung gaano kasakit ang pinagdadaanan ngayon ng mga magulang ng biktima at ang tanging magagawa lamang niya ay ang tiyakin na kaisa siya sa oras ng kanilang pagdadalamhati.

Nanawagan din si Vargas sa kinauukulan na tiyakin na mabibigyan ng katarungan ang sinapit ng biktima.

“Ang ganitong krimen—na parehong menor-de-edad ang sangkot—ay kirot sa ating­ buong komunidad. Makakaasa po kayo na hindi namin palalampasin ito. Kaisa ninyo kami sa panalangin, sa pakikidalamhati, at sa pani­nindigan para sa hustisya,” ayon sa konsehal.

Matatandaan na nitong linggo ay natagpuan ang bangkay ng 9-anyos na biktima sa isang bakanteng lote sa Barangay Sta. Lucia.

Ang biktima ay huling nakitang buhay kasama ng 13-anyos na kapitbahay na siya ring suspect sa krimen.