August 13, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Patay ang isang guro matapos na barilin ng estudyante na umano’y kanyang binagsak sa Balabagan, Lanao del Sur.
Kinilala ang biktima na si Danilo Barba, 34, at guro sa Balabagan Trade School, Brgy. Narra, habang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si alyas na Kaizer, 20, isang Grade 11 student.
Nangyari ang insidente noong Agosto 4 bandang alas-8 ng umaga sa loob mismo ng nasabing paaralan.
Inamin naman ng suspek ang pagpaslang sa biktima nang bigyan siya nito ng bagsak na grado.
Dahil dito, hindi umano siya makakapag-enroll sa Grade 12. Sinubukan pa sanang magtago ang suspek subalit nahuli rin.
Nabatid rin na hindi lamang sa isang subject bumagsak ang suspek.
