August 14, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Handa na si DILG Secretary Jonvic Remulla na i-submit ang pangalan ng mga opisyales ng gobyerno mula Governor hanggang sa Barangay na pasok sa online gaming sites upang awtomatikong ma-ban ang kanilang pangalan at phone numbers sa pag-access sa gambling sites.
Aniya, nakakita siya ng police officers at government employees na naglalaro ng online gambling sa kanilang telepono sa panahon ng kanilang break time.
“If you are a government official, bawal sila pumasok sa gaming sites or gaming floor kahit free time nila. Sa akin lang, kung bawal kayo sa physical casino, dapat sa online casino bawal din,” ayon kay Remulla.
Sa ilalim ng Memorandum Circular ?2025-082 ang mga opisyal at miyembro ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail and Management Penology, National Youth Commission, Philippine Commission on Women, National Commission on Muslim Filipinos, Philippine Public Safety College at National Police Commission at iba pa na mapapatunayang lumabag sa online gambling ban ay maaaring masuspinde at makasuhan ng administratibo sa tanggapan ng Ombudsman.
Binigyang-diin ni Remulla na hindi naman masama ang online gambling dahil ito ay pampalipas oras ng marami pero mahigpit itong ipinagbabawal sa mga opisyal at tauhan ng gobyerno.
