BSP inutusan ang mga e-wallet na alisin ang online gambling


Inutusan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga e-wallet provider na alisin ang mga link sa online gambling platforms sa loob ng 48 oras nitong Huwebes, August 14, sa isang hearing ng Senate Committee on games amusement sa usapin kung dapat bang ipagbawal ang online gambling.

Gayunman, maaari pa ring gamitin ang e-wallets sa pagsusugal kung direkta itong maa-access sa mga website.

Patuloy ang talakayan sa mas mahigpit na regulasyon, kabilang ang panukala ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na limitahan ang pagsusugal sa mga pisikal na betting stations.

Nilinaw rin ng PAGCOR na bawal ang paggamit ng credit card sa pagbabayad ng utang sa pagsusugal.