Trailer ng Mudrasta umabot na sa mahigit 9 milyon, dinarasal na umabot sa ganun ang kita sa takilya


SHOW-MY — Salve V. Asis — Pilipino Star Ngayon

August 14, 2025 | 12:00am

Umabot na pala sa mahigit 9.3 million views ang trailer ng pelikulang Mudrasta: Ang Beking Ina starring Roderick Paulate.

Obvious na na-miss ng manonood ang ganitong klase ng pelikula na ang mission lang ay magpatawa.

Fans are living for the signature Roderick Paulate comedy branding — witty banat, halakhakan na may kurot sa puso, and characters na parang kakilala mo lang. The overwhelming reaction shows that people are craving the classic, feel-good humor na nakakapawi ng pagod at stress na parang nakakalimutan na ngayon sa ibang pelikula dahil pulos Korean vibe na ang kinokopya.

As one of the purely comedy films to come out this year, ang Mudrasta: Ang Beking Ina promises to deliver laugh-out-loud moments alongside heartfelt storytelling.

Nawa’y ma-convert sa box office result ang number of views ng trailer pelikula.

Mag-uumpisa itong mapanood sa mga sinehan sa Aug. 20.

Samantala, P270 na as of huling tanong namin ang bayad sa ibang sinehan kapag Tagalog film.

Kaya naman hanggang sa kasalukuyan ay kinakapitan ang pelikulang P77 ni Barbie Forteza.

Bukod sa magagandang reviews, marami ang ayaw ma-FOMO (fear of missing out) at hindi nagpapahuli para mapanood ang P77 sa kanilang paboritong sinehan, at sa mas murang presyo.

Sey nga kasi ng mga nakapanood na hindi ordinaryong horror film ang P77 dahil bukod sa mga nakakakaba’t nakakatakot na eksena, napakaraming unexpected twists and turns na talagang hahamon sa pag-iisip ng viewers hanggang sa huli.

S’yempre, hindi rin dapat palagpasin ang mahusay na pagganap ng bida na si Barbie Forteza na tila ba dinadala ang mga manonood sa loob ng P77.

Three weeks nang ‘di natitinag sa mga sinehan nationwide ang P77! May iba pa nga raw nag-sold-out na nitong mga nakaraang araw, ha!

Sana nga ay magtuluy-tuloy na ang ganitong resulta sa takilya ng mga pelikulang Tagalog na ipinalalabas.