DOJ hihilingin sa korte pagtanggal kay Patidongan bilang akusado


Ludy Bermudo — Pilipino Star Ngayon

August 19, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Maghahain ng pormal na kahilingan ang Department of Justice (DOJ) sa Manila court na tanggalin na bilang akusado sa missing sabungeros case si Julie “Dondon” Patidongan.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, magsusu­mite ng kahilingan ang ­government prosecutors sa Manila Regional Trial Court Branch 40 upang ma-discharge na sa kinasasangkutang mga kaso ng kidnapping at serious illegal detention si Patidongan para sa pagiging state witness nito.

“Well he will be, we will ask the court to discharge him as a state witness later on,” sabi ni Remulla.

Patuloy pa rin aniya ang evaluation process sa mga reklamong murder na isinampa sa DOJ ng mga kaanak ng mga nawawalang sabungero.

Samantala, nagsagawa ng briefing ang Philippine Coast Guard sa mga opisyal ng DOJ sa patuloy na paghaha­nap sa Taal Lake kaugnay sa search and retrieval operations.

Isiniwalat din ni Remulla na may isang quadrant sa Taal Lake na marami ang natagpuan.

“May isang quadrant na positive talaga, maraming positive findings,” aniya pa.