Agosto 22, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

August 22, 2025 | 12:00am

LEO (Jul.23 — Aug.22) — Magiging malaki ang iyong tiwala sa sarili at positibo ang pag-iisip sa mga gawain. Walang suliranin sa pamilya o sa minamahal. Nasa tamang landas ng kasaganahan ang dinadaanan ng iyong kabuhayan kung patuloy ang pagsisikap. Lucky numbers at color of the day ang 10, 14, 35, 36 at blue.

VIRGO (Aug.23 — Sept.23) — Manghihiram sa iyo ng pera ang isang kaibigan o kamag-anak, pero pag-isipan dahil matagal bago mabayaran. Lucky numbers at color of the day ang 8, 16, 24, 30 at old rose.

LIBRA (Sept.24 — Oct.23) — Magiging makitid ang iyong isip, kaya iwasan ang biruan. Ang pagre-relax ay makakatulong sa’yo. Lucky numbers at co-lor of the day ang 8, 10, 13, 25 at orange.

SCORPIO (Oct.24 — Nov.22) — Ang paanyaya ay tanggihan para maiwasan ang hindi magandang pangyayari. Iwasan ang sosyalan. Lucky numbers at color of the day ang 5, 15, 24, 30 at jade green.

SAGITTARIUS (Nov.23 — Dec.21) — Magtatagumpay sa nilalakad kung sa umaga isasagawa. Magaan ang pasok ng negosyo. Lucky numbers at color of the day ang 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

CAPRICORN (Dec.22 — Jan.19) — Ang tahanan  ay mapagtutuunan ng pansin. Hinahon ang kailangan para ‘di makasakit ng kapwa. Lucky numbers at color of the day ang 5, 12, 25, 31 at light green.

AQUARIUS (Jan.20 — Feb.18) — Hintayin ang tamang oras at pagkakataon para sa gustong mangyari.Iwasan ang makipagsisihan. Lucky numbers at color of the day ang 10, 12, 14, 31 at burgundy.

PISCES (Feb.19 — Mar.20) — Dagdagan ang tiyaga at panalangin nang makaiwas sa bulilyaso. Hinahon ang kailangan sa tuwina. Lucky numbers at color of the day ang 6, 14, 19, 24 at red.

ARIES (Mar.21 — Apr.19) — Bigyang pansin at wastong pangangalaga ang kalusugan. May mag-aalok ng trabaho sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 16, 20, 31, 42 at maroon.

TAURUS (Apr.20 — May 20) — Tawag ng panahon para maiwasan ang mga pekeng kaibigan. May balitang matatanggap. Lucky numbers at color of the day ang 8, 16, 19, 30 at dollar green.

GEMINI (May 21 — Jun.21) — Magandang balita dahil handa mong harapin ang anuman dahil sa kasiglahan. Masayahin ka nga-yon. Lucky numbers at color of the day ang 1, 9, 12, 28 at cream.

CANCER (Jun.22 — Jul.22) — Kahit alam mong tama ka, huwag makialam sa pagdedesisyon ng iba hanggang hindi kumunsulta sa iyo. Lucky numbers at color of the day ang 14, 19, 21, 39 at purple.