MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-angat ng yaman sa Timog-Silangang Asya, kung saan mas maraming pamilya sa mga bansang tulad ng Pilipinas, Indonesia at Vietnam ang pumapasok na sa kategoryang ultra-high-net-worth (UHNW) o napakayamang antas. Sa ganitong lebel, ang tanong ay hindi na “paano kumita,” kundi “paano pangalagaan, palaguin, at ipamana ang yaman.”
Dito pumapasok ang ”Tanggapan ng Pamamahala sa Yaman ng Pamilya» (family office) —isang dedikadong estruktura na namamahala sa lahat ng aspeto mula sa pamumuhunan at pagpaplano ng buwis hanggang sa pagpapamana (succession) at kawanggawa, lahat sa iisang bubong.
At ngayon, mas dumarami ang mga pamilyang handang tumawid sa susunod na hakbang at pinipiling magtungo sa Hong Kong—na isang matatag at malawakang pundasyon para sa mga hindi lang may yaman kundi may malinaw na pagbabalak para sa kinabukasan.
Bakit kailangang magtatag ng Tanggapan ng Pamamahala ng Yaman ng Pamilya (Family Office)?
Habang mas maraming pamilya ang nakakalikha ng seryosong yaman, lalo na sa pamamagitan ng negosyo, naghahanap sila ng mas mahusay at mas pangmatagalang paraan upang pamahalaan ito para sa susunod na mga henerasyon.
Isa sa mga paraang unti-unting pinipili ay ang pagtatatag ng family office o Tanggapan ng Pamamahala ng Yaman ng Pamilya.
Ito ay isang pribadong tanggapan o tagapayo na humahawak sa pinansyal, pamumuhunan, at personal na usapin ng mayayamang pamilya. Tinitiyak nito na ang mga pagpapahalaga, pananaw at tradisyon ng pamilya ay pinangangalagaan habang iniingatan din ang kanilang yaman para sa kinabukasan.
Isipin ito bilang isang nakatalagang samahan ng mga eksperto sa loob ng organisasyon na humahawak ng lahat—mula sa pamumuhunan, optimal na pagbubuwis, at pagbabalak sa layamanan ng pamilya, hanggang sa mga serbisyong pangkabuhayan, edukasyon at kawanggawa—na nakaayon sa pangangailangan ng kasarinlan at paghawak ng mga UHNW na pamilya.
Ano ang nagpapatingkad sa Hong Kong?
Para sa mga pamilyang may pangmatagalang pag-iisip, ang Hong Kong ay hindi lamang isang karaniwang sentrong pinansyal—ito ay isang lugar kung saan nagsasanib ang estruktura at oportunidad.
Sa kaibuturan nito, nag-aalok ang Hong Kong ng malinaw at matatag na sistemang legal. Dahil sa sistemang common law nito na sinusuportahan ng mga independiyenteng hukuman, nagkakaroon ng kumpiyansa ang mga pamilya na gumawa ng mga estratehikong desisyon na makikinabang sa maraming henerasyon, na may katiyakan at kaayusan.
Hindi rin nagpapahuli ang kapaligiran nito sa negosyo. Mababa at simple ang buwis, walang buwis sa mana, at walang mga restriksiyon sa galaw ng kapital o sa pag-aari ng dayuhan. Ang ganitong kalayaang pang-ekonomiya ay nagbibigay sa family offices ng kakayahang kumilos nang mabilis.
Ngunit hindi lamang sa aspeto ng pananalapi kaakit-akit ang Hong Kong. Isa rin itong tunay na pintuan patungong pandaigdigang merkado—maging sa pamumuhunan sa mga ari-arian, startups, berdeng enerhiya o digital assets.
May mahalagang papel din ang Hong Kong sa Greater Bay Area, na nagbibigay ng direktang akses sa mabilis na lumalagong sektor ng teknolohiya sa Tsina.
Dahil dito, pinili ng mga pangunahing kumpanya tulad ng Tencent, Alibaba, at Xiaomi na maglista sa lungsod, pinagtitibay ang posisyon ng Hong Kong bilang pintuan patungo sa mga makina ng teknolohiya at kapital ng hinaharap—habang pinananatili ang internasyonal na katangian at pinansyal na kalayaan nito.
Gaya ng sinabi ni Robert Buchbauer, vice chairman ng Swarovski International Holding: “Kapag tinitingnan ko ang Hong Kong, nakikita ko ang isang lungsod na nag-aalok ng katatagan, katiyakan, at kapaligirang bukas sa negosyo—mga pangunahing elemento para sa anumang family office na naghahanap ng matibay na pundasyon para sa pangmatagalang paglago.”
Tulad ni Buchbauer, maraming pamilya at kumpanyang nakatuon sa pamana sa iba’t ibang henerasyon ang matagal nang kinikilala ang Hong Kong bilang isang matatag na sentrong pinansyal.
Samantala, binigyang-diin naman ni Joe Tsai, co-founder at chairman ng Alibaba Group, ang tatag at matibay na pundasyong pinansyal ng Hong Kong bilang pangunahing dahilan ng kaakit-akit nitong katayuan.
“Sa kabila ng mga hamon, namumukod-tangi ang free-market DNA ng Hong Kong, masiglang pamilihang pinansyal, at kapaligirang may suporta sa buwis—na, para sa akin, ay dahilan kung bakit isa ito sa pinakamainam na lugar para umunlad ang mga negosyo at family offices,” aniya.
Ang paglago ng Arete Capital Partners sa Hong Kong
Pumapasok na ang mga pamilyang Pilipino sa pandaigdigang yugto ng pagyaman, at marami sa kanila ang pinipiling gawin ito sa Hong Kong bilang plataporma para sa maayos at matalinong pamumuhunan.
Si Charles Luchangco, tagapagtatag ng Arete Capital Partners na pinamumunuan ng mga Pilipino, ay nangangasiwa ng isang family office na nakabase sa Hong Kong.
“Talagang maraming kahon ang nae-check ng Hong Kong,” ani Luchangco. “Ang internasyonal na kasiglahan nito ang humihila sa amin na manatili rito. Gustung-gusto rin namin ang dining scene, at dagdag pa ang katotohanang makakapag-camping ang pamilya tuwing weekend at makakabalik ako sa trabaho sa Lunes ng umaga.”
Higit pa sa pagiging lugar para sa negosyo, naging tahanan na ang Hong Kong—isang tahanang sinusuportahan ang personal na buhay at propesyonal na pag-unlad.
“Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng Hong Kong sa estratehiya ng pamumuhunan ng aming family office. Sa pamamagitan ng aming lokal na network, nagkaroon kami ng pagkakataong makipag-ugnayan at mamuhunan nang direkta sa mga kapana-panabik na negosyo sa iba’t ibang sektor sa Hong Kong, China, South Korea, Estados Unidos, at France,” dagdag ni Luchangco.
“Madaling magtayo ng kumpanya, makakuha ng mahuhusay na talento, at maayos ding i-navigate ang mga regulasyon ng gobyerno. Bukod dito, ang simple at malinaw na sistema ng pagbubuwis sa Hong Kong ay malaking bentahe para sa mga negosyo—malaking bagay ito kung ikukumpara sa ibang mga bansa,” paliwanag pa niya.
Naniniwala rin ang tagapagtatag ng Arete na patuloy na lumalaki ang papel ng Hong Kong sa pagkonekta sa Timog-Silangang Asya.
“Sa tingin ko, may mas malaking papel pang ginagampanan ang Hong Kong sa mga ugnayan nito sa Southeast Asia. Ang pagkakaroon ng akses sa demograpiya at ekonomiya ng rehiyon ay magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga family offices sa Hong Kong na palawakin ang kanilang saklaw at operasyon sa ibang bansa,” aniya
Mabilis at malinaw na landas para sa mga Pamilyang Pilipino
Para sa mga pamilyang nais lumipat sa susunod na antas, ang pagtatatag ng Tanggapan ng Pamamahala ng Yaman ng Pamilya o family office sa Hong Kong ay isang kapansin-pansing simpleng proseso.
Kasing-dali lamang ito ng pagtatayo ng karaniwang kumpanya, at sa pangkalahatan, hindi na kailangan ng paunang pag-apruba mula sa mga regulator para sa karamihan ng single-family offices.
Dahil sa pinaikling prosesong ito, nagkakaroon ng kakayahan ang mga pamilyang Pilipino na agad na maisaayos ang kanilang yaman, makapagpatayo ng mga sistemang pang-gobyerno sa loob ng pamilya at makapagsimula ng pangmatagalang pagpaplano—lahat ng ito sa isa sa pinakamodernong hurisdiksiyong pinansyal sa Asya.
Maging ang layunin ay ang pangangalaga ng yaman, pagpaplano ng pamana, o pagpapalawak ng presensya sa pandaigdigang negosyo, nag-aalok ang Hong Kong ng kinakailangang propesyonal na imprastruktura, katiyakang legal, at kalayaang operasyonal upang maisakatuparan ito.
Sumusuporta sa pag-unlad na ito ang FamilyOfficeHK, isang natatanging yunit ng Invest Hong Kong, ang ahensiyang pampamahalaan na tumutulong sa mga may-ari ng ari-arian upang maisagawa ang susunod na hakbang.
Sa pamamagitan ng one-stop platform nito, ang FamilyOfficeHK ay nagbibigay ng mga tagapayo sa larangan ng legal, operasyonal at estratehikong usapin—kahit nagsisimula ka pa lamang o nagpapalawak na ng operasyon sa buong mundo.
At binibigyang-pansin ngayon ng Hong Kong ang lumalaking yaman sa Pilipinas.
Noong Hunyo 17 hanggang 19, bumisita sa Cebu at Maynila ang koponan ng FamilyOfficeHK upang palalimin pa ang ugnayan sa ultra-high-net-worth na komunidad ng Pilipinas.
Malinaw ang mensahe: Tinuturing ng Hong Kong ang mga pamilyang Pilipino hindi lamang bilang mga mamumuhunan, kundi bilang mga katuwang para sa hinaharap.
Sa tulong ng kanilang malawak na hanay ng mga tagapayo, episyenteng proseso ng pagtatatag, at masiglang ekosistemang pang-negosyo, iniaalok ng Hong Kong sa mga pamilya ang isang mapagkakatiwalaang plataporma upang maayos at may direksyong maisaayos ang kanilang yaman.
Disclaimer: Ang article na ito ay inilathala ng Advertising Content Team na bukod sa Editorial Newsroom.
