Philstar.com
September 3, 2025 | 2:33pm
MANILA, Philippines — Nanawagan si Sen. Bam Aquino na huwag munang tanggapin ang panukalang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa susunod na taon dahil sa mga patong-patong na mga imbestigasyon sa mga nakitang iregularidad, partikular sa mga flood control projects.
Iginiit niya na dapat bigyan ng apat na buwan ang ehekutibo para magsumite ng bago at mas maayos na bersyon, pero sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na labag ito sa Konstitusyon.
Dagdag pa ni Pangandaman na nakikipag-ugnayan na siya kay bagong DPWH Secretary Vince Dizon para repasuhin ang mga programa ng kagawaran at alisin ang mga hindi kailangan sa gastos ng ahensya.
