Philstar.com
September 5, 2025 | 1:33pm
MANILA, Philippines — Kinondena ng aktres na si Angel Aquino ang paggamit ng AI para makagawa ng deepfakes videos matapos niyang ibunyag na naging biktima siya ng deepfake pornography sa isang hearing ng Senate Committee on Women noong Setyembre 4, ikinuwento ni Aquino ang pagkabigla at matinding kahihiyan nang madiskubre ang naturang content.
«As in, para kong nasusuka. I felt ill, nauseated, confused, and stunned in the beginning. Then, it was disgust and anger for being violated as a person in a revolting and humiliating way,» sabi ni Aquino.
Nagkuwento rin ang content creator na si Queen Hera, na nagsabing ginamit ang litrato ng kanyang anak sa malisyosong paraan sa dark web.
Nanawagan silang pareho sa mga awtoridad na panagutin hindi lang ang mga gumawa kundi pati ang mga plataporma at website na nagpapalaganap ng naturang content. — Base sa report ni Jan Milo Severo
