Setyembre 9, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

September 9, 2025 | 12:00am

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Kung may hindi pagkakaunawaan sa relasyon, naka-amba ang hiwalayan kung hindi maaagapan. Maging matatag at mahinahon sa pagresulba ng suliranin. Huwag idaan sa init ng ulo dahil lalo lamang lalala. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 27, 29 at white.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) — Mapapatunayan ang karma. Kung gumawa ka ng kabutihan, may kabutihan kang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 32, 36 at fuchsia.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Sulirang pinansiyal ang bumabagabag subalit kung pagsisikapan may makakatulong. Huwag sarilihin ang problema. Lucky numbers at color for the day ang 17, 26, 32, 36 at pink.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Magiging masaya ang iyong araw kung makakasama ang isang Aries, Pisces o Leo. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 33, 40 at brown.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Mataas ang pride at handa sa ano mang mangyayari. Walang masama kung magpapakumbaba. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 31, 39 at orange.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Hangga’t maaga iwasan ang masamang impluwensya ng mga barkada. Huwag maging mapusok. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 34, 42 at green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Mahalaga ang kaligayahan at kapaka-nan ng pamilya, kaya huwag ipagkait ang tulong. Lucky numbers at color for the day ang 14, 22, 28, 30 at blue.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Nakataya ang kinabukasan. Huwag magtiwala sa usapan lang. Ilagay sa kasulatan ang napagkasunduan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 24, 29, 34 at yellow.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Huwag sarilihin ang balak. Ikunsulta at hingiin ang opinyon ng mga mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 19, 23, 24, 31 at violet.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) –  May kakaharapin ka na mas mala-king problema, kaya magpakatatag.  Lucky numbers at color for the day ang 19, 27, 39, 41at ocean blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Masaya mong sasalubungin ang umaga, ngunit mag-ingat sa makakati ang dila. Lucky numbers at color for the day ang 19, 27, 39, 41 at ocean blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – May balakid sa binabalak. Pero mapapansin at maitutuwid kung pag-aaralan. Lucky numbers at color for the day ang 14, 24, 34, 39 at aquamarine.