Setyembre 16, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

September 16, 2025 | 12:00am

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – May hihingi ng tulong. Huwag ipagkait dahil pagkakataon ito para lalo ka pang pagpalain. Isang malapit na kaibigan ang magbabalik-bayan, expect mo ang call galing sa kanya. Malamang yayain ka niyang lumabas. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 26, 39 at carnation pink.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Masama man ang gi-sing, huwag hayaang masira ang buong araw. Ngumiti ka. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 25, 38 at scarlet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Maganda ang pakiramdam kahit napagod ka. Lalo kang sisigla sa balitang matatanggap.Lucky numbers at color for the day ang 1, 16, 24, 33 at purple.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung ‘di makapasa sa exam, makakabawi ka kung matutuhan na i-prioritize ang pag-aaral. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 27, 33 at cream.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Maaaring nasa work ka, pero ang isip ay nasa mahal mo. Puntahan mo siya para mapanatag ka. Lucky numbers at color for the day ang 12, 20, 30, 41 at sky blue.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Maiisip ang pagkakamaling nagawa. Humingi ka ng tawad at gawin ito sa lalong madaling panahon. Lucky numbers at color for the day ang 7, 23, 31, 40 at gray.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Magpahinga para makabawi ng lakas. Ugaliin ang pagkain ng gulay, makakatulong ito sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 25, 39 at golden brown.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – May pabuya sa mabuting nanagawa. Maso-solve nito ang problema mo sa iyong mga bayarin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 26, 33 at tan.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Planuhin ng maayos ang desisyon. Huwag makinig sa iba, ikaw ang higit na nakakaalam ng dapat. Lucky numbers at color for the day ang 11, 21, 37, 42 at rainbow.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Humanda sa mga pagbabago. Kahit may kontra, gawin ang plano dahil magtatagumpay ka. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 20, 31 at avocado green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – May mabisang paraan para mapasaya ang sarili na hindi kinakailangang gumastos ng mahal. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 23, 45 at lilac.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Maging simple. Kaakit-akit ka sa katangiang ito. Makakamit ang mga hinahangad. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 28, 36 at old rose.