Setyembre 27, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

September 27, 2025 | 12:00am

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Ang lahat ng aktibidad sa umaga ay magiging magaan. Pero matatambakan sa hapon kung mapapatsismis ka. Unahin ang dapat gawin. Maging maagap, i-check lagi ang dalang payong. Lucky numbers at color for the day ang 12, 23, 26, 28 at apple green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang payo ng mga nakakatanda ay mahalaga dahil sa suliraning taglay. Sundin ang inaakalang tama. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 30, 35 at gray.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Bigyan ng ekstrang oras ang minamahal. Ang mga praktikal na gawain ang magpapasaya sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 24, 34, 42 at purple.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Ang responsibilidad sa pamilya ang magiging pangunahin kaysa sarili. Ito ang iyong agenda ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 29, 42 at beige.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Maaaring urong-sulong sa mga pangyayari, kaya makisayaw sa tugtog. Walang katiyakan ang panahon. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 23, 34 at maroon.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) –  Iwasan ang magalit at mabilis na pag-init ng ulo na sisira sa iyong araw. Cool ka lang! Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 20, 21 at brown.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Ang anumang naiwang gawain ay mawawalan ng kabuluhan sa hinaharap, Maging maagap. Lucky numbers at color for the day ang 10, 15, 18, 38 at orange.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung may hindi nalalaman, magtanong. Para magtagumpay sa trabaho, alamin ang lahat ng detalye. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 18, 38 at cream.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – May matatanggap kang hindi inaaasahan. Isang kaibigan ang nangangailangan ng tulong. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 32, 39 at yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Masasaktan ka sa mga salitang maririnig laban sa iyo. Panatilihin ang hinahon ng makaiwas sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 21, 23 at ruby red.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Ang pag-ibig ang gabay sa pagsisikap. Magiging maagap ka ngayon sa lahat ng bagay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 21, 27 at lemon green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Ang iyong talino ay puhunan sa ikauunlad kaya gamitin ito sa makabuluhang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 21, 24 at blue.