September 29, 2025 | 12:00am
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Ang oportunidad ay kakatok at dapat maging maagap para hindi ito makakawala. Panatilihing bukas ang komunikasyon. Taglayin ang kahinahunan sa pakikipag-usap. Magiging malapit ka sa mapang-asar, kaya cool ka lang. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 14, 41 at sky blue.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Paganda nang paganda ang takbo ng career. Mananatiling sapat ang pa-ngangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 15, 16, 36, 37 at light gray.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – May posibilidad na mapili ka sa bakanteng puwesto sa inaaplayan. Tiyakin ang sarili at kakayahan bago mangako. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 21, 30 at pink.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – May mahalagang gawain na ipagkakatiwala sa’yo. Pero kung hindi nakakasiguro, huwag maging mapangahas. Lucky numbers at color for the day ang 11, 26, 28, 39 at white.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Magpapatuloy sa pagganda ang impresyon ng nakakataas sa trabaho dahil sa husay at kasipagan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 11, 24, 31 at lilac.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Matatag ang career. Iwasan ang magmaramot para hindi pagtampuhan ng kapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 12, 26, 30, 42 at peach.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Palampasin ang maririnig na makakapikon mula sa mga kasamahan dahil inggit lang sila. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 39, 41 at white.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte, at isang Gemini ang magdadala ng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 13, 31 at red.
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Kung gagamitin ang likas na talino, maaabot ang tagum-pay. Ituwid ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 13, 31, 39, 42 at pink.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – May magtatangkang sukatin ang pagtitimpi mo. Maging mahinahon at gamitin ang karunungan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 26, 34 at green.
LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Ang nakalimutang pangako ay maisasakatuparan. Iwasan ang paglalakbay at mga barkada. Lucky numbers at color for the day ang 1, 4, 34, 40 at orange.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – bayaan ang matagal nang suliranin ay lalong lalala. Kumilos ka na. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 23m 32 at neon green.