October 7, 2025 | 12:00am
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Ang kadalasang pagmamadali ay magreresulta ng pagkakamali. Kung sisimulan ang pagtutuwid sa kamalian, magbabago ang takbo ng iyong buhay. Humingi ng tawad kung nagkasala. Lucky numbers at color for the day ang 16, 25, 37, 41 at peach.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang maging emosyonal ay iwasan sapagkat sisirain ang maganda mong araw. Maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 27, 40 at ruby red.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Maghanda sa hindi magandang pagkakataon na darating. Alamin muna ang puno’t dulo bago magkomento. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 26, 39 at lavender.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Magtiwala sa sariling kakayahan at tiyak magtatagumpay. Ang gawain sa loob at labas ng tahanan ay matatapos. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 32, 40 at green.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Mapag-uukulan ng pansin ang mga kasamahan sa trabaho. Mag-ingat sa kilos ng hindi makasakit ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 15, 19, 35, 38, at gray.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Dahil sa mga obligasyon, pangunahing suliranin ang pera. Madali ang solusyon kung magpapakatatag. Lucky numbers at color for the day ang 6, 23, 30, 41 at light green.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Tanggapin ang pagkakamali kalakip ang paghingi ng paumanhin. Maisakatuparan ang hinahangad. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 28, 39 at jade green.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung may gustong sabihin, huwag patagalin dahil magbibigay ito ng suliranin sa kalaunan. Maging tapat. Lucky numbers at color for the day ang 8, 31, 37, 40 at yellow.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Nakasentro ang pangyayari sa personal na gawain. Matutupad ang pangako. Makikipagsosyalan ka. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 24, 36 at royal blue.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Iwasan na itali ang sarili sa mahigpit na pangako dahil walang katuparan. Bigyang halaga ang panig ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 16, 33 at aqua blue.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – May transaksyon na mabubuo. Iwasan ang mapikon, dahil hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 27, 35, 39 at blue.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – May pagsubok na magaganap na kailangan ang talino at pag-iingat. Maayos ang takbo ng mga gawain. Lucky numbers at color of or the day ang 12, 17, 24, 42 at violet.