BUBOT na BAYABAS (83) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

October 8, 2025 | 12:00am

MASAMA ang paki­ramdam ni Guava. Ma­sakit daw ang katawan. Narinig ni Apol matapos katukin sa kuwarto. Baka tatrangkasuhin si Guava? May gamot siyang naka­tago para sa nilalagnat.

“Buksan mo ang pinto, Guava, paiinumin kita ng gamot.”

Narinig ni Apol ang pag­lapit ni Guava sa pinto. Binuksan.

“Anong masakit sa iyo?”

“Ulo at katawan ko—baka tatrangkasuhin ako Apol.”

“Halika, kumain ka muna. Hahanapin ko ang gamot para sa lagnat.”

Sumunod sa kanya si Guava.

“Kumain ka at saka iinom ng gamot. Ipagtimpla kita ng kape?” tanong ni Apol.

Tumango si Guava. Parang hirap na hirap sa nararamdaman.

Ipinagtimpla ni Apol ng kape.

“Kumain ka kahit kaunti. Kailangang may laman ang tiyan bago uminom ng gamot.”

Naglagay ng kaunting fried rice at corned beef sa pinggan si Guava. Sumubo.

Kinuha naman ni Apol ang mga gamot sa kanyang kuwarto. Dinala sa kusina.

“Ito ang inumin para ma­wala ang sakit ng katawan mo—palagay ko tatrangkasuhin ka,’’ sabi ni Apol.

“Palagay ko nga, Apol.”

“Uminom ka ng isang tableta. After  four hours, isa uli.”

Uminom si Guava. Pagkatapos uminom ng gamot, nagpaalam na matutulog.

“Gigisingin kita para uminom ng gamot,” sabi ni Apol.

Tumango si Guava.

Pagkalipas ng apat na oras, ginising ni Apol sa Guava. Tinanong ang pakiramdam nito.

Itutuloy