October 16, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang isang police official na kinasuhan ng panggagahasa ng isang babaeng menor-de-edad sa bayan ng Ginatilan, Cebu, ayon sa ulat kahapon.
Sinasabing nagtatago na umano si Malabuyoc Municipal Police Station acting commander matapos ireklamo ng rape ng 14-anyos na dalagita noong Setyembre 28.
Sinabi ni Police Col. Abubakar Mangelen Jr., hepe ng Cebu Provincial Police Office, ang nasabing pulis ay ikinokonsidera nang Absent Without Official Leave (AWOL).
Sinabi pa ni Mangelen na isa pang miyembro ng Malabuyoc Police Station ang kinasuhan ng administratibo dahil naman umano sa pagtulong sa suspek na makatakas.