November 7, 2025 | 12:00am
“WALANG masamang mangyayari at panganib’yan lamang po ang gusto naming malaman ni Guava, Tandang Santo,” sabi ni Apol na halata sa boses ang kasayahan.
“Makakatulog na kayo nang mapayapa, Apol. Wala na kayong dapat ikabahala.”
“Salamat po, Tandang Santo sa payo mo. Talaga pong nabunutan ako ng tinik—pati po si Apol. Sa totoo lang po, marami na akong utang kay Apol dahil sa pagtulong sa akin na malutas ang problema—na hindi naman pala problema.”
“Dahil sa problema, nasubok mo ang pagkatao ni Apol ‘di ba?”
“Oo nga po, Tatang Santo—lalo pong napamahal sa akin si Apol.”
“Magpasalamat ka sa ‘engkantada’ tinulungan kang makita ang karapat-dapat na lalaki para sa’yo.”
Oo nga po.”
“Basta ang masasabi ko lang, kayong dalawa na ang magkakasama habambuhay.”
“Salamat po. Magpapaalam na po kami,’’ sabi ni Guava at nagmano sa matanda. Nagmano rin si Apol at saka si Manang.
“Mag-ingat kayo sa paglalakbay,” paalala ng matanda.
Umalis na ang tatlo.
(Itutuloy)