November 12, 2025 | 12:00am
HINDI makapaniwala sina Papa at Mama nang sabihin kong naligaw ako. Sinabi kong pabalik-balik ako pero hindi ko matandaan ang daan patungo sa bahay. Sabi ko’y napagod na ako sa paglalakad kaya ipinasuyang umupo at sumandal sa pader. Nakatulog ako dahil sa pagod at pagkalito. Nang magising, may narinig akong nag-uusap. Nang pakinggan kong mabuti, boses nina Papa at Mama.
“Saka lamang ako nagkawisyo na para bang galing ako sa mahabang pagtulog. Sabi nina Papa at Mama, hintay raw sila nang hintay sa akin. Dati ay 12:30 ng hapon ako dumarating pero alas tres na ay wala pa ako. Sabi ni Mama, baka nasa library ako at nagre-research. Balak daw ni Papa na puntahan na ako sa school kung hindi pa ako darating.
“Sabi ni Papa, maaring iniligaw ako ng mga lamanlupa sa aking dinaanan. Baka raw may nagkagusto o natuwa sa akin. Pero hindi raw nananakit ang mga iyon at gusto lang paglaruan ang natipuhan.”
“Hindi raw tikbalang o kapre?”
“Hindi sinabi ni Papa. Kaya naman nasabi ni Papa na nakursunadahan ako ng lamanlupa ay dahil may nangyari na rin noon na tulad nang nangyari sa akin. Iniligaw din daw ang isang teacher. Nagustuhan din daw. Pero mas matagal bago nakabalik—isang araw na nawala. Mabuti raw ako at tatlong oras lang.”
“Ano kaya ang nakakursunada sa iyo, Guava—tikbalang o kapre?”
“Ewan.”
“Baka puwede nating maitanong kay Tandang Santo.”
“Puwede.”
“Pero ang isang ipinagtataka ko Guava, bakit paborito kang lapitan ng mga engkanto at lamanlupa?”
“Bakit nga kaya Apol?”
Itutuloy