December 4, 2025 | 12:00am
“Natatakot ako Apol,’’ sabi ni Guava.
“Anong gagawin ko?”
“Relaks ka lang. Wala namang ginagawa ang dalagita,” sabi ni Apol.
“Ano kaya ang balak niya? Bakit nakatayo siya sa may gate?”
“Hayaan mo lang.”
“Hindi ko alam kung nananaginip ako Apol. Parang hindi ko maintindihan ang mga nangyayari?”
“Totoo ang lahat—hindi panaginip.”
“Bakit narito ang dalagita?”
“Galing na siya rito sa bahay ko, Guava.”
Gulat na gulat si Guava.
“Galing na siya diyan?”
“Oo.”
Ikinuwento ni Apol ang mga nangyari kanina na nagpakita ang dalagita kay Manang.
“Nagpapaalam na ang dalagita kaya siya nandiyan sa tirahan mo. Gusto niyang ipaalam na aalis na siya.”
Nanindig ang balahibo ni Guava.
Maya-maya, napansin ni Guava ang pagkilos ng dalagita. Kumaway ito kay Guava. Nagbabay.
“Nagbabay ang dalagita, Apol. Paalis na yata siya. Nagpapaalam na!”
Hindi makapagsalita si Apol. Nakikinig lang kay Guava.
Biglang pinutol ni Guava ang pakikipag-usap kay Guava at mabilis na kinunan ng picture ang kumakaway na dalagita.
Klik! (Itutuloy)