Bubot na Bayabas (140) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

December 5, 2025 | 12:00am

“Kinunan ko ng picture ang dalagita habang papalayo,” sabi ni Guava kay Apol makaraang piktyuran ang dalagita,

“Mabuti at nakunan mo, Guava. Kaya pala biglang naputol ang pag-uusap natin.”

“Bigla ko kasing naalala, Apol.”

“Pagkatapos mong kunan, ano nangyari? Nasaan na ang dalagita?”

“Lumayo na ang dalagita—biglang nawala sa ­paningin ko. Iglap lang, Apol. Nawala agad.”

“Dapat pala nasundan mo at natanong ang ­dalagita.”

“Hindi ko na ginawa yun. Alam mo Apol, palagay ko tama ang sinabi mo kanina na nagpaalam na ang dalagita. Una siyang nagpaalam sa iyo at pagkatapos ay sa akin. Palagay ko, tapos na ang misyon niya sa atin. Hindi na siya magpapakita.”

“Sana nga ay tama ang hula natin, Guava.”

“Malakas ang kutob ko Apol.”

(Itutuloy)