Bubot na Bayabas (150 )


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

December 16, 2025 | 12:00am

“PALAGAY ko tama ka, Apol, tapos na ang mga ‘misteryo”. Nagpaalam na ang mga sangkot. Wala nang gagambala,’’ sabi ni Guava.

“Totoo ang sinabi ni Tandang Santo na kapag ikinasal tayo, mawawala na ang mga nararanasan natin. Talagang mapagkakatiwalaan ang matanda.”

“Pero mayroon siyang hindi nasabi—ang suwerte na darating sa atin. Ano ang suwerteng iyon?”

“Oo—hindi niya sinabi.”

“Baka tatama tayo sa lotto?”

“Paano tayo tatama sa lotto e hindi naman tayo tumataya.”

“Oo nga Apol. Paano kaya tayo susuwertehin?”

“Hintayin na lang natin. Baka malapit na yun.”

“Sige hintayin natin.”

“Pero ako, alam kong dumating na ang suwerte sa akin,’’ sabi ni Apol.

“Anong suwerte?”

“Ikaw—ikaw ang suwerte sa akin.”

Niyakap ni Apol ang asawa.

Makalipas ang tatlong buwan, napansin ni Apol ang pagkahilig ni Guava sa mga manibalang na bayabas. Halos araw-araw, pumipitas siya ng bayabas.

Sarap na sarap si Guava.

Naglilihi na?

Itutuloy