Bubot na Bayabas (158) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

December 25, 2025 | 12:00am

Makalipas ang ilang araw, inihanda na nina Apol at Guava ang pangalan ng kambal. Pi­nagkasunduan nila na Do­rotheo ang ipangalan sa lalaki at Dorothea sa babae. Doro ang nickname ng lalaki at Thea sa babae. Kay Guava nanggaling ang ideya.

Ayon kay Guava, hina­ngo niya ang pangalan sa name ni St. Dorothy of Cae­saria na patron saint ng mga prutas na ang ka­pis­ta­han ay tuwing Peb­rero 6.

“Tamang-tama ang name nila—bagay na bagay,’’ sabi ni Apol.

“Palalakihin natin sila na mabubuti at may takot sa Diyos at may pagmamahal sa kapwa,’’ sabi ni Guava.

“Tama.”

“Gusto kong lumaki silang ma­payapa at masaya.”

“Mangyayari iyon.

Makalipas ang isang linggo, lumabas na sa ospital si Guava at ang kambal na sina Doro at Thea.

Kumuha sila ng yaya ng kambal.

 

Makalipas ang anim na buwan.

“Ang bigat na ni Doro!” sabi ni Apol habang karga ang anak.

“Si Thea man ang bigat!” sabi ni Guava na karga naman si Thea.

(Itutuloy)