Swing ride sa amusement park nalagot; 11 katao sugatan


Joy Cantos — Pilipino Star Ngayon

December 26, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines — Labing-isa katao ang nasugatan makaraang aksidenteng nalagot ang isang swing ride sa loob ng amusement park sa plaza ng San Jacinto, Pangasinan, nitong gabi ng bisperas ng pasko.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 1, kabilang sa nasugatan ay isang 19-anyos na babae, pitong lalaking menor-de-edad, dalawang babaeng menor-de-edad at ang 37-anyos na mekaniko.

Ayon sa imbestigas­yon kasalukuyang umiikot ang nasabing swing nang biglang itong malagot habang nasa gitna na ikinasugat ng mga biktima na mabilis na isinugod sa pagamutan.

Bunga ng insidente ay pansamantala namang sinuspinde ang operasyon ng nasabing amusement park.