Enero 2, 2026 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

January 2, 2026 | 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Makikilala ang taong may lihim na pagtingin. Hindi mo akalain na siya pala ang iyong lihim na mangingibig. Pag-isipan ng mabuti kung dapat sumali sa isang grupo upang hindi magsisi. Maging praktikal. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 27, 35 at metallic silver.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Ipagpaliban ang binabalak tungkol sa pagbabago ng kabahayan, opisina o trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 8, 28, 35, 39 at avocado green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Sa kabila ng kabiguan, mapapaunlad ang karunungan. Magkakaroon ng dagdag na kaalaman. Lucky numbers at color for the day ang 12, 19, 22, 37 at dollar green.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Handang makiisa ang pamilya sa layunin o binabalak. Malamang magkaroon ng bagong manliligaw o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 2, 22, 32, 42 at tan.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Puno ng enerhiya at maliksi ang katawan, subalit mananaig ang katamaran. Dapat itong paglabanan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 23, 34, 41 at oak brown.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Ang mangyari ay nasa iyong panig. Kung mag-a-apply ng trabaho, matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 13, 39 at emerald green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Diplomasya ang kailangan mo. Magkakaroon ng tensiyon sa pagitan ng kapitbahay o kasamahan. Lucky numbers at color for the day ang 17, 27, 37, 41 at electric blue.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Tiyakin na hindi mawawala ang tiwala ng nakakataas sa pinapasukan. Mag-i-ngat dahil may naiinggit sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 22, 42 at orange.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Magiging daan ka sa pagkakabati ng miyembro ng pamilya. Maganda ang pasok ng pananalapi. Lucky numbers at color for the day ang 13, 19, 37, 45 at light blue.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – May susubok ng pagtitimpi. Ngayon mo gamitin ang hinahon at talino. Huwag mainip. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 15, 30 at aquamarine.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Magkakaroon ng katunggali, masusubok ang kakayahan. Magkaroon ng increase sa income. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 12, 44 at white.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Magkakaroon ng pagtatalo tungkol sa pera. Nakatakda na magkaroon ng problema sa love life. Lucky numbers at color for the day ang 8, 18, 28, 38 at orange.