ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Malaki ang pag-asang magtagumpay sa pag-ibig kung ang hangarin ay malinis. Ang lumihis noon, manunumbalik sa tamang landas ngayon. Kung panay problema ka noon, ngayon magdiwang dahil walang humpay na kaligayahan ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 12, 27 at electric blue.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Iwasan ang magpadalos-dalos sa paglagda ng mahalagan papeles o kontrata. Para walang pagsisihan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 5, 21, 34 at gray.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Repasuhin ang bagay sa trabaho at baka may makalimutan dahil magiging makalimutin ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 32 at beige.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kung ano ang maririnig, huwag patulan dahil masasangkot sa gulo. Huwag pansinin ang pamimika ng iba. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 22, 42 at orange.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Maging praktikal. Iayon sa budget ang gastusin. Kung kagipitan ang dinaranas, kaunting tiyaga. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 23, 40 at butter yellow.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Kung empliyado, maipapamalas ang ang king talino at istilo sa trabaho na hahangaan ng boss. Lucky numbers at color for the day ang 2, 15, 31, 43 at maroon.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Iwasan ang pumuna dahil ang balik ay sampung doble sa sarili. Maging positibo at huwag mag-alinlangan sa gawain. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 17, 22 at lilac.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Masuwerte ka ngayon sa negosyo o hanapbuhay, subalit magiging kabaliktaran sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 19, 35 at brown.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung may lihim, matutuklasan. Huwag matakot na ilantad ang katotohanan kung nasa katwiran. Lucky numbers at color for the day ang 7, 24, 40, 42 at silver o gray.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung hikahos, huwag mabahala, dahil nasa tamang landas ang hinahangad na ginhawa. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 22, 42 at pink.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Kapag masayahin at palaging positibong ang pag-iisip, may blessing. Huwag magmukmok. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 23, 40 at cream.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ipagpaliban ang plano o ang paglalakbay dahil may mga hadlang at tiyak hindi magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 19, 25 at mint green.