Oktubre 19, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

October 19, 2025 | 12:00am

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Isang kasambahay ang maglalambing ngunit maghanda dahil may kailangan. Maraming gawain, subalit bigyan ng panahon makapag-isip kung ano ang dapat unahin. Pagtuunan ang kapakanan ng kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 21, 36 at jade green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Unti-unting makakamit ang tagumpay kung patuloy ang pagsisikap. Magiging happy ang love life. Lucky numbers at color for the day ang 3, 22, 34, 41 violet.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Walang problema sa gawain. Maisaayos ang kalusugan. Sa kabuuan masaya at magaan ang pakiramdam. Lucky numbers at color for the day ang 10, 29, 35, 43 at yellow.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Lalong mapapalapit sa isa’t isa kung magiging tapat at walang pambobola. Magiging makulay ang love life. Lucky numbers at color for the day ang 5, 26, 38, 45 golden brown.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Isang proyekto ang hahamon sa talino at galing ang darating. Mahihirapan pero magtatagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 32, 43 at silver.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Dahil sa pride, tuluyang mawawala ang minamahal at hindi maiiwasan sisihin ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at rainbow.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Mag-ingat sa sinasabi dahil baka ang balita ay maganda ngunit magiging pangit dahil sa paraan ng pagkakasabi. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 25, 37 at green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung naging magulo ang sitwasyon sa relasyong pinasukan, putulin hangga’t maaga. Magiging masaya ka. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 36 at blue.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Nasa kondisyon ang mental na kakayahan. Maganda kang makisama ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 26, 40 at brown.6, 14, 19, 24 at green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Mag-ingat sa ginagawa at tiyakin na hindi labag sa kagandahang-asal o hindi mapapahamak ang iba. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 29, 33 at yellow.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Iwasan magpadalos-dalos sa anumang gawain o desisyon dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 24, 36 at beige.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Hindi maiiwasan ang argumento ngunit maiiwasan ang mapa-away. Huwag patulan ang mapanadya. Lucky numbers at color for the day ang 7, 23, 34, 40 at lilac.