Bubot na Bayabas (165) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

January 2, 2026 | 12:00am

ALALANG-ALALA sina Apol at Guava nang makitang nasa itaas ng punong bayabas sina Doro at Thea.

“Baka kayo mahulog!’’ sabi ni Guava na takot na takot at baka makabitaw sa pagkakahawak sa sanga ang dalawang anak.

“Hindi po Mommy!” sabi ni Doro.

“Oo nga po Mommy, hindi kami mahuhulog,” sabi ni Thea na nasa dulo na ng sanga.

“Paano kayo nakaakyat?” tanong ni Apol.

“Naglambitin kami, Daddy, ha-ha-ha!’’ sabi ni Doro.

“Bakit n’yo naisipang umakyat?”

“Naisip lang po namin ni Thea. Ang sarap pala rito Daddy.”

“Mag-ingat kayo. Baka makabitaw kayo sa pagkakahawak.”

“Hindi po.”

Nang magsawa sa itaas ng bayabas, bumaba na ang dalawa. Naghabulan naman sa ilalim ng punong bayabas.

Nanonood naman ang mag-asawa.

Nagtataka pa rin si Apol.

“Paano kaya sila nakaakyat sa bayabas, Guava. Ako nahihirapan sa pag-akyat diyan dahil magkakalayo ang sanga.”

Mangha si Guava.

(Itutuloy)