Bubot na Bayabas (167) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

January 4, 2026 | 12:00am

Paano rin nakaakyat sa tuktok ng punong bayabas ang “misteryosang dalagita” noon?

Iyon ang tanong ni Apol sa sarili. Natatandaan niya, na nasa tuktok ang dalagita nang abutan niya noon.

At nang sigawan at pa­galitan niya ay mabilis na nakababa. Balewala na nag­palipat-lipat sa mga sanga at walang anumang nakatalon sa lupa.

Ganundin kaya ang gi­nawang pag-akyat ng dala­gita? Parang may sa ung­goy sa ginawang pag-akyat?

Sabagay, maliliksi ang mga kabataan ngayon. Ba­lewala ang pag-akyat at pag­lipat-lipat sa mga sanga.

Pero ang nakahaha­nga talaga ay ang kanyang kam­bal na sina Doro at Thea. Masyadong bata pa ang mga ito pero pinaglaruan lamang ang pag-akyat at pagbaba sa ba­yabas.

Hindi makapaniwala si Apol.

Pero dapat matyagan niya ang kambal at baka mahulog ang mga ito sa puno. Hindi niya dapat hiwalayan ng tingin. Nasa stage na sobrang likot ng dalawa.

(Itutuloy)