Enero 5, 2026 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

January 5, 2026 | 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) –  Sabihin na ang nasa kalooban para maintindihan ka ng mga tao sa iyong paligid. Kailangan samahan ng kilos ang iyong mga hinahangad para kamit. Ang buhay ay walang rewind kaya huwag sayanagin ang panahon, oras at lakas.. Lucky numbers at color for the day ang 45, 22, 12, 36, 55 at magenta red.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Huwag magtiis sa kabiguan, dahil laging may pagkakataon na mabago ang iyong kalagayan. Lucky numbers at color for the day ang 38, 21, 15, 45, 58 at baby pink.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Makakapagbakasyon saan mo man naisin. Dahil financially stable ka, i-enjoy ang prosperity. Lucky numbers at color for the day ang 58, 17, 42, 12, 35 at cyan blue.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Makakabangon ka sa kahirapan kung ngayon palang ay pagsisikapan na ang pangarap. Lucky numbers at color for the day ang 22, 42, 58, 15, 32 at mustard yellow.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Pag-aralan ang concept ng cooperative. Mag-observe kung paano ito made-develop sa negosyo mo. Lucky numbers at color for the day ang 58, 17, 42, 12, 35 at mango orange.

GEMINI: (May. 21-Hun. 21) –  Tanggalin sa isip ang mga negatibong bagay. Hindi ka mamausad kung nakapako sa nakaraan. Lucky numbers at color for the day ang 58, 29, 47, 36, 12 at scarlet red.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) –  Meron planong ang Maykapal para sa iyo. Kailangan lang na la-ging manaig ang pag-asa mo. Lucky numbers at color for the day ang 32, 58, 12, 22, 45, at cobalt blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) –  Kakalma na ang kalooban dahil huhupa na ang maling akala.  Lalantad sa’yo ang katotohanan. Lucky numbers at color for the day ang 47, 58, 23, 35, 12 at tangerine.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Maaakit mo ang mga naniniwala sa’yo. Lagi lang maniguro, huwag basta maniwala sa sabi-sabi. Lucky numbers at color for the day ang 26, 35, 47, 52, 12 at cyan blue.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) –  Sa meditation practice maaalis mo ang negative thoughts. Magsisimula na ang success story mo. Lucky numbers at color for the day ang 21, 15, 32, 55, 46 at vanilla brown.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) –  Putulin ang sumpa ng kahirapan. Maging generous at piliin ang masayang expression.  Lucky numbers at color for the day ang 12, 42, 55, 36, 23 at amethyst violet.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Huwag nang magpatumpik-tumpik, kumilos ka sa mga balak mo para makita ang resulta. Lucky numbers at color for the day ang 15, 58, 26, 46, 38 at dollar green.