January 22, 2026 | 12:00am
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad. Harapin nang buong tatag at pananagutan ang anumang desisyon na ginawa maging tama o mali. Magdahan-dahan sa ginagawa o gagawin para maiwasan ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 17, 37 at aquamarine.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Iwasan na mag-init ang ulo. Maging mahinahon dahil may susubok ng iyong pagtitimpi. Iwasan ang palabiro. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 33, 40 at scarlet.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil tatambakan ka ng trabaho o makakarinig ng hindi maganda. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 13, 31 at tangerine.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kailangan ang disiplina sa sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig. Pag-isipan ang mga bagay bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 32, 42 at ocean blue.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Magiging masuwerte sa negosyo, kung sisimulan ngayon. Malaki ang kikitain kung freelancer. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 24, 37 at blue sapphire.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kakapusan ang suliranin, subalit kung pagsisikapan ay matutugunan ng kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 33, 42 at yellow.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Iwasan ang tsismis. Ang paglilinis sa kapaligiran ng tahanan o pinapasukan ay mag-bibigay ng kaligayahan. Lucky number at color for the day ang 16, 18, 29, 39 at jade green.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Magpakahinahon, pag-isipan ng mabuti bago magsalita para hindi ka magkamali o makasakit ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 16, 33 at pink.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – May gantimpala na naghihintay. Magiging masuwerte kung maisasakatuparan ang balak. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 28, 38 at dollar green.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang gawain na hindi napapansin noon ay matapos ngayon. Malakas ang magneto ng pakipagsapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 12, 27 at beige.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Bagay ngayon ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 37, 38 at maroon.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Ang makipag-isa sa tahanan ay tawag ng panahon at pagkataon. Darating ang oportunidad na inaasam mo. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 33, 42 at white.