May asawa ang ka-live in


Dear Dr. Love — Pilipino Star Ngayon

January 24, 2026 | 12:00am

Dear Dr. Love,

Dalawang taon na po kaming live-in ng boyfriend ko. Sa katunayan at may dalawang anak na kami. Pero hindi ko alam na may asawa pala siya. Bigla na lang may nag-message sa akin na sinira ko raw ang pamilya nila.

Ang totoo ay wala akong idea na may pamilya siya dahil sa amin siya nakatira. Pero pinagpipilitan ng boyfriend ko na hindi na niya mahal ang misis niya.

Kahit mahal ko siya at ama siya ng anak namin, wala akong choice kundi hiwalayan siya.

Hindi ko po pinangarap na mangwasak ng pamilya. Tama po ba ang pasya ko?

Violy

Dear Violy,

Tama ang iyong desisyon bagamat mahirap gawin ang makipaghiwalay sa taong mahal mo at ama ng iyong mga anak. Kahanga-hanga ang maninidigan, dahil sa pakikipag-live, babae talaga ang lugi.

Gayunpaman, tiyak na darating ang sandali na magtatanong iyong mga anak tungkol sa kanilang ama. Makakabuti na magdahilan ka na lang muna at kapag nasa hustong gulang na sila ay saka mo ipaliwanag ang mga nangyari. Sikapin mo na makapag-move para umusad ang buhay ninyong mag-iina. Maghanap ka ng trabaho at kung mahirapan ka, huwag mahiyang humingi ng tulong sa iyong pamilya.

Hangad ko na matagpuan mo ang tunay na kaligayahan.

Dr. Love