Ang kapit bahay (12) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

January 25, 2026 | 12:00am

TAHIMIK na tahimik sa bahay na inuupahan nina John at Marie. Walang tao? Dati, kapag nagwawalis siya sa umaga ay naririnig niya ang kalantog o bagsak ng bagay sa kabilang bahay. Pero ngayon ay wala siyang marinig.

Baka naman tulog pa sina John at Marie?

Alas otso na ng umaga.

Masarap magba­bad sa higaan lalo na kapag medyo mala­mig ang panahon dahil sa amihan.

Pero nang mag-alas nuwebe ng umaga at wala pang kumikilos sa kapitbahay, naisip ni Vince na walang tao.

Natapos na niya ang paglilinis sa baku­ran ay wala pa rin si John o si Marie.

Kumpirmadong walang tao sa bahay.

Nang makapasok si Vince sa kanyang bahay­, naisip niyang ipinag­sama marahil ni John si Marie sa kinadestinuhang lugar.

Maaring sinunod ni John ang payo na isama na si Marie sa lugar ng trabaho.

Sumunod na araw, na­gulat si Vince nang si John na lamang ang nasa bahay.

Nasaan kaya si Marie?

Itutuloy