February 3, 2026 | 12:00am
Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang isang napakagandang farm na accredited bilang educational and training site ng pamahalaan.
Ang aking tinutukoy ay ang R.O Valerion Integrated Farm ng mag-asawang Randy at Melody Valerio na makikita sa Sitio Gugu, Barangay San Vicente, Bacolor, Pampanga.
Ang mag-asawang Valerio ay dating Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansang Taiwan at noong mag-for good na sa Pilipinas ay naisipang mag-backyard farming bilang libangan.
Ayon kay Melody, taong 2018 noong sila ay mag-start sa farm sa pamamagitan ng pag-aalaga ng ilang kambing. “Ilang piraso lang dati ang alaga naming kambing, ngayon ay mahigit sa 300 na at iba’t ibang ang lahi,” ani Melody.
Mayroon na ring alagang 20 imported at gatasang baka at buffalo o kalabaw ang mag-asawang Valerio.May mga alagang manok at taniman ng iba’t ibang uri ng gulay, prutas at sorghum.
Sinabi ni Melody, walang tapon sa kanilang farm dahil gumagamit sila ng iba’t ibang tekhnolohiya na use, re-use and recycle. Aniya, ang dumi o manure ng kanilang mga alagang hayop ay ginagamit na pataba sa mga halaman. Ang mga dayami, dahon at mga sirang bunga ng gulay at prutas na kanilang tanim ay pagkain naman ng kanilang mga alagang hayop.
Ginagamit din biogas ang manune ng kambing at nag-aalaga ng African Night Crawl-er (ANC) o bulati na nagpo-produce ng kanilang unlimited na supply ng vermicast na isang mataas na uri ng natural at organic na pataba sa mga halaman.
Nag-aalaga rin ng Black Soldier Fly ang R.O Valerio Integra-
ted Farm na ang mga larvea ng mga ito ay pagkain ng mga manok.
Mayroon din ala-gang honeybee o bubuyog sa nasabing farm na nangunguleta ng nectar sa mga bulaklak ng mga tanim na halaman kaya nakakapag-produce sila ng masarap at masustansiyang honey.
Dahil sa pamamaraan nito kung kaya ang R.O Valerio Integrated Farm ay accredited ng Agricultural Training Institute (ATI) ng Department of Agriculture (DA) at Technical Education and Skill Development Authority (TESDA) bilang learning site sa larangan ng agrikultura sa ating bansa. Sa ngayon ang pa-
ngunahing produce ng R.O Valerio Integra-
ted Farm ay fresh milk ng kambing, cheese, ANC, vermicast, sorghum, gulay, prutas at iba pa.
Sa mga nais bumili ng mga produkto ng R.O Valerio Integrated Farm ay magpadala lang po kayo ng mensahe sa kanilang FB page at mag-text sa 0917-515-53-29.
Ngayong Linggo, February 8, 2026 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Melody sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng PhilStar Media Group.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.