February 27, 2025 | 12:00am
COTABATO CITY, Philippines — Patay agad sa mga tama ng bala ang isang engineer na propesor na sakay ng SUV matapos tambangan, dito sa lungsod nitong Martes ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Engineer Israel Abas Angas, professor sa Notre Dame University, isang Catholic school sa Cotabato City.
Sa ulat, minamaneho ni Engr. Angas ang kanyang Toyota Fortuner na kulay puti nang siya ay tambangan at pagbabarilin ng mga armadong lalaki sakay ng motorsiklo sanhi ng kanyang agarang kamatayan sa isang mataong bahagi ng Nayon Shariff Area sa Barangay Rosary Heights 3 na nagsanhi ng panic ng mga tao na nasa paligid. Wala pang linaw sa mga imbestigador ng Cotabato City Police Office kung sino ang mga responsable sa pag-ambush kay Angas at sa motibo ng pamamaslang.
