February 28, 2026 | 12:00am
CAVITE , Philippines — Aabot sa mahigit 4.8 milyong pisong halaga ng mga mamahaling alahas at pera ang natangay ng 6 na armadong kalalakihan sa bahay ng isang Real Estate Agent officer na pinasok ng mga ito at pinagnakawan, kahapon sa pribadong subdivision sa Brgy. Carsadang Bago, Imus City, Cavite.
Iginapos at tinapalan ng adhesive tape ang mga bibig ng pamilya ng biktima na kinilalang sina alyas “Marie”, 38-anyos, real estate agent sales officer, residente ng Legian 1 Subdivision ng nasabing lugar, mister nito na si alyas J at ang dalagang anak ng mga ito.
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-3 ng madaling araw ng pasukin ng 6 na armadong kalalakihan ang bahay ng mga biktima at pagnakawan.
Mabilis na tumakas ang mga kawatan sakay ng isang Toyota Fortuner na hindi nakuha ang plate number.