4 PCG personnel, dinismis | Pilipino Star Ngayon


Mer Layson — Pilipino Star Ngayon

February 27, 2026 | 12:00am

Sa paglubog ng MV Trisha Krestin 3

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na apat na personnel nila ang dinismis without honor, mula sa serbisyo kasunod nang paglubog ng MV Trisha Kerstin 3.

Sa isang pahayag, kinilala ng PCG ang mga sinibak na sina Petty Officer First Class Sabhal Turaini, Petty Officer Third Class Khalid Asmawil, Petty Officer Third Class Al-Yazar Muyong, at Apprentice Seawoman Mar-Iya Anawie.

Tinukoy ng PCG ang serious lapses sa mandatory pre-departure inspection procedures na dahilan nang pagkakatanggal ng mga Coast Guard personnel mula sa concerned pre-departure inspection (PDI) team.

Bukod sa kanila, marami pang personnel ang nahaharap ding penalties dahil sa naturang trahedya.

Nabatid na si Petty Officer Third Class Jestoni Barretto, na nagsisilbi bilang duty office watch ay na-demote ng isang ranggo dahil sa kakulangan ng due diligence sa paggampan sa kanyang tungkulin.

Sina Lieutenant Commander Tristan Jener Ere­diano at Lieutenant Jason Pagbonocan, na nagsisilbi namang station commander at acting station commander sa Zamboanga ay nasuspinde ng isang taon ng walang sweldo.

Samantala, ang underwater operations naman para sa lumubog na barko ay tinapos na ng M/V Trisha Kerstin 3 kahapon.

Hanggang nitong Pebrero 22, umaabot na sa 65 pasahero ang kanuuang bilang ng mga nasawi sa trahedya, 293 survivors at 14 ang patuloy na nawawala.