Over protective ang ina | Pilipino Star Ngayon


Dear Dr. Love,

Dalawa lang kaming magkapatid. Sa maraming pagkakataon, napapansin ko na iba ang pagtrato sa akin ng nanay ko kumpara kay kuya. Talagang over as in over protective siya pagdating sa akin. Samantalang cool lang siya kahit abutin ng madaling araw ang kuya ko. Nasa tamang edad na naman ako at nagtatrabaho. Naiinggit tuloy ako sa mga friends ko na inuunawa ng mga parents nila.

Pero ‘yung nanay ko laging napapraning sa kanyang pagiging over thinking. Tuloy imbes na magsabi ako ng totoo, napipilitan akong gumawa ng kuwento, para lang makatakas sa bahay.

Bakit kasi hindi siya patas, may favoritism. Mabuti na lang at ang tatay ko ay nakikinig sa paliwanag ko. Kaya napapaisip ako kung bakit unfair ang trato ng nanay ko sa akin?

Becky

Dear Becky,

Ganyan talaga ang mga nanay. Ayaw lang nilang mapahamak ang kanilang mga anak, lalo’t ikaw pa ay babae. Kahit sabihin mo pang nasa hustong gulang ka na.

Hindi rin tama na abutin ng madaling araw ang kahit sinong babae sa kalsada.

Alam mo naman, iba na ang panahon ngayon. Mainam na kausapin mo ang itong tatay para siya mismo ang magpaliwanag sa nanay mo.

Sabihin mong nasasakal ka sa sobrang paghihigpit niya at sana’y maintindihan niya rin ang iyong damdamin. Itanong mo rin bakit siya napapraning sa iyo.

Magandang magkaroon kayo ng bukas na komunikasyon kaysa ikaw ay magsinungaling at mapariwara.

Dr. Love