Typhoon victims sa Cebu tumanggap ng cash aid


MANILA, Philippines — Tumanggap ng cash aid mula sa Natioal ­Housing Authority (NHA) ang nasa 7,482 families na naapektuhan ng super typhoon Odette sa lalawigan ng Cebu.

Sa isang simpleng seremonya, pinangunahan ni NHA Region VII Manager Engr. Hermes Jude D. Juntilo ang pamamahagi ng tulong na aabot sa P72,180,000 cash assistance sa naturang mga pamilya na nawasak ng naturang bagyo ang mga tahanan.

Ang cash aid ay naipatupad sa ilalim ng NHA’s Emergency ­Housing Assistance Program (EHAP), ang programang naglalaan ng tulong sa mga qualified low-income at marginalized families na naapektuhan ng natural o ­man-made calamities.

Partikular na nakinabang sa cash assistance ay ang mga residente sa barangau Pilar, Poro, San Francisco, Tudela, Tuburan, Madridejos, Catmon, Barili, Ronda, Dalaguete, Santander at Oslob na higit na napinsala ng Super Typhoon Odette ang mga tahanan.