Taumbayan magsasabi kung ‘bayan?’ si Duterte


MANILA, Philippines — Kinontra ng Malakanyang na ipagpatayo ng bantayog si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, na ang taumbayan ang magsasabi kung siya ang maging bayani at pagawan siya ng rebulto at hindi si Duterte.

Giit pa ni Castro, ang taongbayan din ang magpapasya kung angkop gawing bayani ang isang tao base sa kanyang mga nagawa para sa bansa at sa mamamayan.

Kinontra rin ng tagapagsalita ng Palasyo ang pahayag ni Duterte na wala siyang kasalanan sa ibinibintang sa kanya ng International Criminal Court (ICC), dahil mismong siya ang umamin sa pagdinig ng House quadcom at Senado sa mga napatay sa drug war noong panahon niya.

Inamin din ng dating pangulo na inatasan niya ang mga police officer na hikayatin ang mga suspek na lumaban para maaaring magamit itong self defense ng mga pulis.

Dagdag pa ni Castro, mayroon namang due process na dapat sinusunod kaya hayaan na lamang ang korte na humusga sa mga nagyaring krimen noong Duterte Administration.