Sakit ng ulo: Stress, migraine o tumor


Madalas ba kayong makaranas ng pananakit ng ulo? Ga­ano katindi ang sakit na inyong nararamdaman? Nawawala rin ba agad ito?

Alamin kung simpleng pananakit lang o dulot na ng ibang sakit.

1. Tension headache – Ang tensiyon o pananakit ng ulo na naramdaman sa isang banda o sa paligid ng iyong ulo, ay sanhi ng labis na trabaho at stress.

2. Migraine – Ang sakit ng ulo na tulad ng migraine ay karaniwang sa isang panig at pakiramdam na parang tumitibok.

3. Pagod ng mata – Ang sakit ng ulo dahil sa pagkapwersa ng mata ay pinalala sa pamamagitan ng pagbabasa at ang pananakit ay matatagpuan sa lugar ng noo.

4. High blood pressure – Ang mataas na presyon ng dugo ay maaari ring magdulot ng mga sakit ng batok, ngunit mas madaling gamutin.

5. Stroke – Ang isang matinding sakit ng ulo ay kailangang­ suriin ng isang doktor. Ang sakit ng ulo na sinamahan ng anumang pamamanhid o panghihina ng mga bisig o binti ay maaaring maging isang senyales ng isang stroke. Ang pag­susuka ay isang mahalagang sintomas at maaaring maging tanda ng pagtaas ng presyon sa loob ng utak.

6. Brain aneurysm at tumor — Ang mga sintomas na ito ay maaaring magpahiwatig ng isang posibleng stroke, brain aneurysm o tumor sa utak. Magpatingin sa isang neurologist upang makatiyak.