MANILA, Philippines — Inaasahang aakyat sa 2.5 milyong pasahero ang dadagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX)ngayong Semana Santa.
Sinabi ni Jason Salvador, tagapagsalita ng PITX, na simula nitong Abril 9 hanggang Miyerkules at pakatapos ng Linggo ng pagkabuhay ay inaasahan na aabot sa 2.5 milyon ang mga pasahero.
Kahapon ay dinagsa ang PITX, pero ngayong Lunes ay medyo kaunti ang pasahero at pinakamarami ang araw ng Miyerkules at maging ang Huwebes Santo ay mataas ulit ang bilang.
Muling nagpaalala si Salvador na mag-book ang mga pasahero upang hindi mahirapan kaysa mag-walk in lalo na sa mga patungong Bicol.
