Hairdresser natagpuang naaagnas sa loob ng bahay


CAVITE, Philippines — Halos hindi na makilala dahil unti-unti nang naaagnas ang isang 47-anyos na hairdresser nang matagpuan sa loob ng bahay nito, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Granados, bayan ng Gen. Mariano Alvarez.

Sa ulat ng pulisya, alas-8:10 ng gabi ng madiskubre ng mga kapitbahay nito ang biktima dahil sa masangsang na amoy na nagmumula sa tinitirahan nito.

Napag-alaman na huling nakitang buhay ang biktima Abril 19 ng umaga na kinilalang si Ernesto Rosal, alyas “­Trixie,” 47 anyos, hairdresser, LGBT, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa pamilya ng biktima, may depresyon umano ito at bukod dito may konting karamdaman sa pag-iisip ang biktima.

Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang posibleng dahilan ng pagkamatay ng biktima.