MANILA, Philippines — Hindi pinalampas ng TRABAHO Partylist na batiin ang lahat ng manggagawang Pilipino sa nakalipas na Araw ng Paggawa nitong Mayo 1.
Kasabay nito ay nangako ang TRABAHO na 106 ang numero na magsusulong ng mga batas na babalikat ng mga reporma at adhikaing magbibigay ng kalidad na trabaho, patas na oportunidad, sapat na sahod, karagdagang benepisyo, at maayos na kondisyon sa pagtatrabaho.
Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO, ang grupo ay binubuo ng mga manggagawa mula sa iba’t ibang sektor ng paggawa sa loob at labas ng bansa, pati na rin ng mga nais pang magtrabaho ngunit nakakaranas ng mga diskriminasyon kagaya na lamang ng mga senior citizen at may kapansanan.
Bilang halimbawa, binanggit ni Atty. Espiritu ang kakulangan ng matibay na batas at mga regulasyon kaugnay ng matinding pagtaas ng heat index sa bansa— bagong problema na may matinding epekto sa kondisyon at kalusugan ng mga manggagawa.